Ikalawang SONA ni PBBM, pinaghahandaan na ng PNP

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa darating na Hulyo a-24.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na siyang magiging punong abala sa nasabing aktibidad.

Sinabi ni Acorda tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang threat assessment at pangangalap ng intel reports.


Pero sa ngayon, wala naman aniya silang natatanggap na seryosong banta sa ikalawang SONA ng pangulo.

Pagtitiyak pa ni Acorda, magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga pulis at nakahandang mag-deploy ng mas marami pang pwersa kung kakailanganin.

Samantala, sa panig naman ng mga militante, nakikipag-pulong na ang Pambansang Pulisya sa mga organizers upang matiyak na magiging mapayapa ang ikakasa nilang demonstrasyon.

Kasunod nito, nangako ang PNP na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa inaasahang kaliwat kanang kilos protesta.

Facebook Comments