Ginugunita ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Kaninang umaga nag-alay ng mga bulaklak ang pamilya ni Jee Ick Joo sa may parking area ng Police Community Affairs and Development Group sa loob ng Kampo Crame kung saan pinaniniwalaang pinatay ang Koreano.
Dumalo rin sa memorial service ang mga kaibigan ni Jee ick joo mula sa Korean Community.
Matatandaan na dinukot si Jee sa Angeles City, Pampanga ng mga tauhan ng noon ay PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force o AIDSOTF at pinatay sa sakal sa loob ng Camp Crame noong taong 2016.
Nakasuhan at nakulong ang mga namuno sa operation na sina Police Lieutenant Coronel Raphael Dumlao at Senior Police Officer 3 Ricky Sta Isabel.