CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng 5th Infantry Division (5ID) ang ikatlong batch ng PEACE Program katuwang ang Career Builders Skills Training and Assessment Center Incorporated (CBSTACI) na ginanap sa 5th Division Training School.
Nasa 67 na indibidwal ang sumailalim sa naturang programa na kinabibilangan ng mga kabataan, kawani mula sa mga People’s Organizations (POs) at military dependents mula sa lalawigan ng Cagayan, Kalinga, at Isabela.
Ang inisyatibang ito ay upang makapagbigay ng oportunidad sa isang tao na mahasa ang kanilang skills na maari nilang magamit sa pagtatrabaho.
Isinagawa ang unang batch ng programa noong Agosto habang ang ikalawang batch naman ay ginanap sa Ilocos Region.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 117 indibidwal ang nagtapos sa programa.