Ikatlong Death Case ng Tuguegarao City, Naitala

61

Cauayan City, Isabela- Naitala ng Cagayan Valley Medical Center ang panibagong nasawing pasyente dulot ng COVID-19 ngayong araw.

Ayon kay CVMC Medical Center Chief Dr. Glenn Matthew Baggao, isang 82-anyos na senior citizen ang pumanaw sa kanilang pangangalaga na residente ng Bagumbayan, Tuguegarao City.

Una nang na-admit sa isang pribadong ospital ang pasyente hanggang sa inilipat ito sa CVMC noong Setyembre 22 dahil sa iniindang malalang ubo na sanhi ng pulmonya.

May comorbidity ang pasyente dahil sa kanyang iba pang sakit gaya ng hypertension, coronary artery disease at chronic obstruction.

Lumabas na positibo sa COVID-19 ang pasyente makaraang kuhanan ito ng specimen para sa ginawang pagsusuri.

Ito na ang ikatlong beses na naitala ng lungsod ng Tuguegarao na pumanaw sa sakit habang dalawa (2) ay mula sa bayan ng Tuao.

Facebook Comments