Misis at Kabit, Huli sa aktong Magkasama sa Hotel Room

7166

Cauayan City, Isabela- Nahuli ng mister sa akto ang kanyang misis na may kasamang ibang lalaki makaraang pumasok sa loob ng isang motel sa lungsod ng Cauayan bandang 3:50 kahapon.

Kinilala ang suspek na misis na si April Gallardo, 28-anyos, empleyado ng pribadong kumpanya at tubong Baggao, Cagayan na kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Cabatuan, Isabela habang ang kalaguyo nito na si Primo Cadiz, 30-anyos, may-asawa, isang security guard at residente ng Brgy. Labinab sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, humingi ng tulong ang mister na kinilalang si Mark Anthony Gallardo para maaresto ang kanyang misis at kalaguyo nito sa isang motel sa lungsod.

Una rito,sakay ang mister ng isang double cab vehicle kasama ang kanyang katrabaho ng aksidenteng makita nito ang kanyang asawa na sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki hanggang napag-alaman na ito ay si Cadiz hanggang sa sinundan nito ang dalawa na makapasok sa kwarto ng hotel at aktong naglalaro ng apoy sa gitna ng malamig na kwarto.

Nahaharap sa kasong Adultery ang misis ng biktima na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Sinisikap pa rin ng news team na makuhanan ng pahayag ang suspek at biktima.

Facebook Comments