Manila, Philippines – Posibleng sa unang linggo pa ng Hunyo mapili ang ikatlong telecommunications player sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, sa May 24 pa nila pormal na mabubuksan ang bidding para sa rito.
Aniya, tinanggal na kasi nila ang 10 bilyong pisong capital requirement para sa nagnanais maging mamuhunan bilang bagong telco player sa bansa.
Giit ni Rio, mas bibigyan nila ng bigat ang bilis at maayos na serbisyo gayundin ang actual resource ng mga bidders kaysa sa halaga ng pamumuhunan ng mga ito.
Ang mapipiling ikatlong telco dapat ay may congressional franchise kung saan 60 percent ay pag-aari ng Filipino at walang koneksyon sa Smart at Globe.
Oras na pumalpak ang mapipiling ikatlong TELCO, mapupunta na sa gobyerno ang idineposito nitong 25 percent na performance bond o puhunan.