Curfew Ng Mga Bar Sa Baguio City!

Baguio City, Philippines – Sa huling linggo ng selebrasyon ng 23rd Panagbenga Festival, hindi pinayagan ni Mayor Mauricio Domogan ang hirit na extensyon ng curfew ng mga bar owners sa syudad ng Baguio, sa nakaraang pagpupulong ng Ugnayang Panlungsod.

Ayon sa nakatalang ordinansa, 2 a.m ang curfew hour na magtatagal hanggang matapos ang festival. Hindi naman kuntento ang mga bar owners na humihirit pa ng hanggang 3 a.m. Hindi naman sumang-ayon si Mayor Domogan at sinabing, “We are not promoting our city as a drinking city” .

Ikaw idol sang-ayon kaba ?


Facebook Comments