Inilahad ng Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan ang umano’y ikatlong tranche ng fuel subsidy ang hindi pa natatanggap ng tinatayang nasa 500 miyembro ng transport sector na ito.
Ito ang sinabi ni AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao na hindi pa nakatanggap ng naturang subsidy ang nasa 30% o nasa 500 operators nito kung saan sinabi pa nito na hindi umano sila titigil dito sa paghirit at maaari umano silang mag-request ng provisional fare increase at fuel subsidy.
Paliwanag naman ng LTFRB ukol sa hindi pa pagtanggap ng mga ito ng ayuda ay dahil hinihintay pa ang abiso mula sa central office para sa pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney operators at isa ding dahilan kung bakit naantala ang distribusyon ay nagkaroon ng cleansing o paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo.
Dagdag pa ng LTFRB, na patuloy pa rin sa pamamahagi ng naturang tulong sa mga operators at drivers dahil alam naman umano nila ang kanilang sitwasyon.
Samantala, bukod sa mga operators at drivers ng pampasaherong jeep, patuloy din ang distribusyon ng naturang ayuda sa mga tricycle drivers sa Pangasinan ng P1,000 bilang subsidiya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga langis.

Facebook Comments