IKINATUWA | American boyband ‘NSYNC’, nakasama na sa Hollywood Walk of Fame

Los Angeles – Mistulang naging reunion para sa American boyband na NSYNC ang ginawang induction sa kanila sa Hollywood walk of fame.

Nabatid na kumpleto ang mga miyembro nito na sina JC Chasez, Justin Timberlake, Joey Fatone, Lance Bass at Chris Kirkpatrick.

Ikinatuwa ng lima ang pagkakaroon ng sarili nilang star sa Hollywood boulevard.


Kapwa nila pinasalamatan ang mga fans lalo na ang kanilang mga loved ones at higit sa lahat ang kanilang mga magulang na gumabay pa din sa kanila sa mga panahon nasa tuktok sila ng kasikatan kaya at hindi sila naligaw ng landas.

Iginiit naman ng kanilang mga fans na sana ay magkaroon sila ng reunion concert pero walang naging sagot dito ang NSYNC.

Facebook Comments