ILAGAN – DIVILACAN ROAD, SARADO SA PUBLIKO!

Cauayan City, Isabela – Mahigpit na ipinagbabawal ngayon sa publiko ang Ilagan-Divilacan Road dahil sa may mga bahaging gumuho. Mapanganib umanong gamitin ang naturang daan lalo na at nakakaranas ang buong lalawigan ng ng pag ulan dulot ng low pressure area.

Ayon kay Mr. Romy Santos, Provincial Consultant for Media Affairs, pansamantala itong isinara para sa mga bakasyunista at ekskarsiyunista. Kinakailangan muna kumuha ng clearance mula kay Isabela Governor Rodito Albano ang sinumang dadaan sa naturang lansangan. Dagdag pa ni Mr. Santos, ang mga mula sa coastal towns lamang na may kinakailangang ilabas ang pinapayagan gamit ang motorsiklo.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang Ilagan – Divilacan Road matapos kuwestiyunin ito ni Dating 3rd District Congressman Napoleon S. Dy. Ayon sa kampo ni dating Cong. Dy, nagkaroon umano ng over pricing, hindi maka kalikasan at puno ng irregularidad ang nasabing proyekto.


Ang naturang proyekto ay pinondahan ng 1.6B piso ay una nang binuksan sa publiko sa noong nkaraang buwan.

Facebook Comments