- Para sa mga residente ng Muntinlupa, Las Pinas, Cavite at Paranaque, dalawang linggo maapektuhan ang kanilang supply ng tubig.
- Ayon sa Maynilad, kailangan dagdagan ang paglilinis at de-clogging dahil sa ‘algae proliferation’ na natagpuan sa Laguna Lake.
- Ginagawan ng pamunuan ang lahat para bumalik agad sa normal ang supply ng tubig.
MAYNILA – Bahagyang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila ayon sa Maynilad.
Sa kanilang Facebook post, may natagpuan na “algae proliferation” sa Laguna Lake noong Abril 23 dahil sa mainit na temperatura na dulot ng El Nino. Kailangan nilang linisin at tanggalin ang bara sa dalawang water treatment facilities sa Putatan, Muntinlupa.
Tatamaan ng water interruption ang mga siyudad ng Muntinlupa, Paranaque, Las Pinas at ilang bayan sa Cavite.
Ayon sa Maynilad, inoobserbahan pa din nila ang water quality sa Laguna at ginagawa lahat ng paraan upang maibalik agad sa dati ang water supply sa mga naapektuhan lugar.
Para sa kabuuang post, bisitahin ang official Facebook page ng Maynilad.
Facebook Comments