Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ilan pang baybaying-dagat sa bansa ang idineklara na ng BFAR na malinis na sa toxic red tide.
Kabilang sa mga coastal water na ito ang Milagros sa Masbate, Carigara Bay sa Leyte at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, wala ng peligro ang pagkain ng mga shellfish na nakukuha sa mga nasabing karagatan.
Samantala, may ilang coastal water na lang ang nananatili pang positibo sa paralytic shellfish poison.
Ito ay ang mga baybaying-dagat ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Facebook Comments