Manila, Philippines – Maliban kina Senators Antonio Trillanes IV, Francis kiko Pangilinan at Leila de Lima ay nadagdagan pa ang mga senador na nagpahayag ng pagtutol sa nais ni pangulong rodrigo duterte na muling suspendihin ang barangay elections na nakatakda ngayong oktubre at sa halip ay magtatalaga na lang siya ng barangay officials.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon isa sa kahalagahan ng demokrasyang umiiral sa bansa ay ang pagkakaroon ng regular ng eleksyon para irenew ang mandato na ipinagkaloob ng taong bayan sa mga bgy officials kaya naman hindi sya pabor na muling masuspinde ang bgy elections.
Sabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang election ang pinakamagandang paraan para mapalitan ang mga barangay officials na sangkot sa ilegal na droga.
Para naman kay Senator Panfilo Lacson, matapos masuspinde ang nakaraang bgy elections ay marapat lamang na mabigyan na ngayon ng pagkakataon ang mamamayan ng mahigit 42-libong barangay sa buong bansa na pumili ng nais nilang maging mga leaders na kanilang pinagtitiwalaan maglilingkod sa kanila.
Facebook Comments