Ilan sa halos 400 nabiktima ng food poisoning sa Bukidnon, nakalabas na ng ospital dahilan ng pagkalason, iniimbestigahan pa ng DOH

Nakalabas na ng ospital ang ilan sa halos 400 nabiktima ng food poisoning sa bayan ng impasug-ong sa Bukidnon.

Nabatid na karamihan sa mga biktima ay miyembro ng Seventh Day Adventist na nagsasagawa noon ng seminar sa lugar.

Ayon sa isa mga dumalo sa seminar na si Doc. Erwin Lapuz, nakitaan ng amoeba ang ilan sa mga pasyente.


Hinala niya, nakuha ito ng mga biktima matapos na mag-alis ng dumi sa Septik Tank malapit sa kanilang venue kung saan dumami ang langaw.

Ayon naman kay Municipal Environmental and Natura Resources Officer Emmanuel Lomoyod, iniimbestigahan na ng Regional Department of Health ang totoong dahilan ng food poisoning.

Sina Doc. Erwin Lapuz at Municipal Environmental and Natura Resources Officer Emmanuel Lomoyod sa interview ng RMN Manila.

 

Facebook Comments