Ilan sa mga pasyenteng nalason sa lambanog, nakauwi na

Nabawasan na ang bilang ng mga pasyenteng naka-confine sa ospital matapos malason sa ininom na lambanog sa Laguna at Quezon.

Mula sa 399 pasyenteng isinugod sa ospital, 144 na lang ang naka-confine kung saan 30 dito ay residente ng bayan ng Rizal.

Ayon kay Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz – wala naman sa mga biktima ang nagpahayag ng interes na ireklamo ang manufacturer ng lambanog.


Tuloy-tuloy din aniya ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga biktima.

Matatandaang ipinagbawal na muna ang pagbebenta ng lambanog sa Laguna.

Ayon naman kay Food and Drug Administration (FDA) Officer-in-Charge Eric Domingo – bagama’t may mga lisensyadong lambanog manufacturer may kapangyarihan pa rin aniya ang lokal na pamahalaan na ipatigil ang pagbebenta nito.

Facebook Comments