Ilan sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City, nagkakasakit na – AFP

Manila, Philippines – Inamin ng Armed Forces of the Philippines na nagkakasakit na sa main battle area sa Marawi ang ilang mga sundalo habang nakikipagbakbakan sa mga teroristang Maute.

Sa katunayan ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla may mga inalis ng mga sundalo mula main battle area sa dahil sa sakit na malaria, dengue, leptospirosis at kagat ng aso.

Pero, wala naman aniyang dapat na ipag-alala dahil maayos namang nalalapatan ng lunas ang sakit ng mga ito dahil mayroon silang medical facilities malapit sa battle ground.


Agad din aniyang dinala ang mga sundalong malala ang kondisyon patungo sa pinakamalapit na ospital kagaya sa Cagayan de Oro.

Bagamat, nababawasan ang pwersa sa ground ay hindi naman ito nakaaapekto sa ginagawa nilang paglusob sa kuta ng Maute.

Sa katunayan ay bumilis pa ang clearing operations ng militar sa mga gusaling inookupa ng Maute.

Facebook Comments