Wanted person ng Gingoog City, nadakip ng mga otoridad sa probinsya ng Camiguin

Nadakip sa joint operation ng kapolisan sa Catarman Municipal Police Station at Gingoog City Police Station ang isang most wanted person sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Nakilala ang suspek na si Clent Reynante Nacasabog, 39 anyos, single na taga Lawigan, Catarman, Camiguin.
Ayun kay Police Inspector Arvin Jay Lacambra, Acting Chief of Police sa Catarman Municipal Police Station na nagkaroon ng kaso si Nacasabog sa lungsod ng Gingoog noong taong 2013 kaya bumalik ito sa kanyang tirahan sa Camiguin.
Sa ngayon, temporaryong na-detain ang suspek sa Catarman Municipal Police Station at ngayog araw ay dadalhin ito pabalik sa Gingoog City, Misamis Oriental.
By: Kasamang Lovelyrose Sambaan

Facebook Comments