Ilan sa mga umuwing Pinoy repatriated mula sa Macau, may medical condition

Panibagong 204 distressed Filipinos mula Macau SAR ang umuwi sa bansa.

Ilan sa mga dumating na repatriates ay may medical condition.

Patuloy naman ang pagtanggap ng Philippine Consulate General sa Macau SAR sa distressed Pinoy workers na nagpapatala para sa mga susunod na repatriation.


Tinitiyak naman ng Konsulada ng Pilipinas na fully vaccinated ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs), alinsunod na rin sa panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga uuwing Overseas Filipinos na magpabakuna muna bago umuwi ng bansa.

Mula March 2020, umaabot na sa halos 5,000 ang distressed Pinoys sa Macau na umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments