Manila, Philippines – Posibleng simulan na ngayong araw ang pagpapalaya sa mga Person Deprived of Liberty o PDL na sumuko pero hindi naman kasama sa listahan ng mga heinous crime convict na maagang napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, kasama sa mga palalayain ay ang mga PDL na naabswelto sa kaso, nabigyan ng commutation of sentence at nabigyan ng pardon o parole.
Tinututukan na ngayon ng Oversight Committee on Corrections ang pag-verify sa bawat PDL na kasama sa paunang listahan ng mga palalayain.
Plano raw nila na magpalaya “in tranches” at posibleng ito ay masimulan na ngayong araw.
Facebook Comments