ILANG ABONO SA MERKADO, KULANG SA TIMBANG

Nagsagawa ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ng spot inspection ng mga bodega ng abono at pestisidyo sa Rehiyon dos.

Ang inseksyon ay pinamumunuan nila FPA OIC Executive Director at Regional Manager na si Leonardo A. Bangad.

Ito ay bilang tugon sa mga reklamo ng mga magsasaka hinggil sa mga underweight na abono na ibinebenta sa mga dealers.

Sa isinagawang random na impeksyon, nakumpirmang may mga abonong kulang sa timbang.

Ang ibang abono ay tumitimbang lamang ng 48.5 hanggang 49kls na dapat ay 50kgs ang standard weight habang may iba namang brands na abot sa 50.5kg ang timbang, lagpas sa standard weight.

Pinayuhan naman ng FPA ang mga distributors na i-report ito sa kanilang suppliers at ang mga magsasaka na humiling ng test weighing sa mga dealer store kapag bumibili.

Sa pamamagitan din ng inpeksyon ay nagkaroon ang FPA ng kaalaman sa available stock ng mga abono at pestisidyo sa rehiyon upang masiguro na may sapat na bilang ngayong cropping season.

Nagkaroon na rin ng pag-uusap sa pagitan ng FPA at mga dealders hinggil sa isyu ng underweight na abono kanilang ibinebenta upang masiguro na ito ay may tamang timbang at kalidad.

Facebook Comments