Philippine Embassy sa Mexico, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa malakas na lindol doon

98

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Mexico na walang Filipino casualty sa nangyaring malakas na lindol sa nasabing bansa.

Sa ngayon, 1200 ang Filipino sa Mexico kung saan 800 sa kanila ay nasa Mexico City.

Sa nasabing lindol, isa ang nasawi at may mga ari-arian na napinsala kabilang na ang ilang sasakyan.


Facebook Comments