Ilang aktibidad na naglalayon na makakalap ng pondo para sa mga target na benepisyaryo ang isinagawa ng PhilHealth Regional Office 1 bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng National Women’s Month.
Ayon kay PhilHealth R1 Public Affairs Unit Head Joseph Manuel, isa ang GAD Tindaan nen Juana tan Juan at PRO 1 Celebrity Ukay-Ukay for a Cause sa isa sa sumusuporta sa iba pang kakayahan ng mga empleyado at upang makatulong sa mga empleyadong may karamdaman at nangangailangan ng pinansyal na suporta.
Ang registration fee sa mga naturang stalls nito ay mapupunta sa mga kababaihan na may morbid illnesses tulad ng cancer at nagpapadialysis.
Bukod sa mga ito, may mga isinagawa rin na lectures at seminar kung saan makatutulong sa pagpapalakas pa sa kababaihan kabilang na rito ang personal development at makeup tutorials. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









