ILANG AMBULANT VENDORS TINITIIS ANG PAGHAHANAPBUHAY SA GITNA NG MAINIT NA PANAHON

Tuloy pa rin sa paghahanapbuhay ang ilang ambulant vendors sa Pangasinan sa Kabila ng mainit ng panahon.

 

Ayon sa ilang ambulant vendors na nagtitinda ng inumin, kailangan umano nilang tiisin ang mainit na sikat ng araw dahil wala rin umanong kikitain kung titigil sa pagkilos at pagbebenta lalo at matataas na rin ang mga bilihin.

 

Hindi rin naman umano nila nakakalimutan na magdala ng inumin habang umiikot sa pagtitinda o di kaya ay magsuot ng panangga sa mainit na panahon.

 

Samantala, nagsimula na ring mag negosyo ang ilang Pangasinense ng halo-halo na tinatangkilik ngayong mainit ang panahon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments