Ilang araw matapos ang ideklara ang community quarantine sa Metro Manila, dagsa ang mga pasahero na nagmamadaling umuwi ng probinsiya sa Araneta Bus Terminal

Nagmistulang holiday season ang mga bus terminal sa Cubao, Quezon City dahil sa biglang dagsa ng mga pasahero na uuwi sa kanilang mga probinsya.

Ito ay matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine na magsisimula sa Linggo ng gabi.

Sa Araneta Center Bus Terminal, nagkaubusang bigla ng mga ticket patungong Visayas at Mindanao para sa mga uuwi.


Tulad ni Aleng Carmen Manansala, ilang araw pa lang sila sa Cainta, Rizal matapos nilang bisitahin ang anak na nagtatrabaho dito sa Maynila subalit nagpasya silang umuwi ng mas maaga sa takot na hindi na makabyahe pa sa katapusan ng Marso.

Paliwanag naman ni Mr. Jun Legaspi, Terminal Manager ng Araneta Bus Center, sapat ang bilang ng mga bus para i-accomodate ang mga mag-uuwian sa kanilang mga probinsya.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero, mahigpit umano nilang ipatutupad ang social distancing sa mga sasakay ng bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments