Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa calibrated lockdown ang ilang bahagi ng CM Recto St., Purok Namnama ng Brgy. San Antonio; Manolo St., Purok Daisy ng Brgy. Calaocan; Osmeña St., Purok Raniag ng Brgy. Antonino sa bayan ng Alicia, Isabela.
Ito ay batay sa inilabas na executive order no. 2020-032, 2020-033, 2020-034 na nilagdaan ni Mayor Joel Alejandro.
Nagsimula ang lockdown ngayong alas-5:00 ng hapon na tatagal hanggang Sept.25,2020 ng alas-12:00 ng tanghali.
Nakasaad sa kautusan ang pagpapasara ng lahat ng establisyimento na nasasakupan ng mga nabanggit na bahagi ng lugar.
Nakapagtala na ang bayan ng Alicia ng higit 30 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at ilan sa mga ito ay nagmula sa mga nabanggit na lugar na pansamantalang isinira dahil sa posibleng kontaminasyon.
Matatandaang si CV1386, CV1385 at CV1388 ay walang history ng pagbiyahe mula sa labas ng probinsya na posibleng pagmulan ng local transmission kung kaya’t ipinatupad ang nasabing kautusan.
Samantala, pansamantalang nakasara sa buong maghapon bukas ang pamilihang bayan ng Alicia dahil sa isasagawang disinfection sa nasabing lugar.