Nanganganib ngayong makasuhan ang ilang barangay captain sa Pangasinan dahil sa paglabag sa ECQ protocols na ipinapatupad ng mga law enforcers. Ayon kay Undersecretary for barangay Affairs Martin Diño karaniwan sa mga nalabag na protocols ay inuman, pagsusugal, pananabong, hindi naipatupad ng tama ang ECQ Guidelines, mga naningil para sa quarantine pass at pagpili sa mga mabibigyan ng ayuda at relief packs.
Dagdag pa nito kanilang sinasala ng mabuti ang bawat reklamo dahil ang iba dito ay gawa gawa lamang upang makapaghiganti sa kanilang kapitan. Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa sa mga barangay officials na bigong magbigay ng eksplanasyon matapos matanggap ng show cause order.
Facebook Comments