Pinalawak ang ilang barangay road sa San Nicolas upang maiwasan ang pagguho ng kalsada at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista.
Kabilang sa mga ipinatupad, ang riprapping projects, pagpapalawak at pagsasaayos sa Brgy. San Felipe East, at Sitio Lagpan at Bangar.
Layunin ng mga proyekto na maprotektahan ang kalsada mula sa erosion o pagguho ng lupa tuwing tag-ulan at mapanatili ang kalidad na kondisyon para sa mga dumaraang motorista.
Sa mga naturang proyekto, iginiit ng lokal na pamahalaan na tumutugon ito sa pangmatagalang pangangailangan ng mga residente para sa kanilang kaligtasan at tulong upang mapagaan ang kanilang pagbiyahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







