Cauayan City – Nakaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa bayan ng Aurora noong ika-20 ng Mayo matapos ang naranasang sunod-sunod na malalakas na pag-ulan.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Florie Fher Mareeh Blas, Hazzard Mapper at Rescuer ng Aurora Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Rescue 811 Aurora Isabela, kabilang sa mga lugar na nabaha ay ang Brgy. Ballesteros.
Watch more balita here: SOLAR FARM, PLANONG ITAYO SA CAUAYAN CITY ISABELA
Dahil sa tuloy-tuloy at walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan ng gabing yon, nagresulta ito sa pag apaw ng tubig sa irrigation canal.
Dahil sa pagtaas ng tubig, kaagad nilang inabisuhan at inilikas ang mga residente sa Brgy. Ballesteros at dinala sa pinakamalapit at ligtas na evacuation center.
Samantala, labing-isang pamilya at limampu’t-isang indibidwal naman ang bilang ng mga naapektuhan ng dalawang araw na pagbaha.