Ilang barangay sa Quezon City, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw hanggang Huwebes

Manila, Philippines – Dahil sa isasagawang maintenance activity ng Maynilad, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw (July 3) hanggang Huwebes (July 6).
Pinayuhan ng maynilad na mag-ipon ng sapat na tubig ang mga residente ng mga barangay sauyo na mawawalang tubig simula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw bukas (July 4)
Mula July 5 (10:00pm) hanggang July 6 (4:00am) mawawalan din ng tubig ang barangay 159, 160, 162 at 163 sa district 1.
Maaari ding magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station kung saan may mga kasabay din na gawain para sa pipe rehabilitation.
Samantala, naglabas naman ng traffic advisory ang manila water dahil sa kanilang isinasagawang pipe laying activities.
Sinimulan na kanina ang paglalatag ng linya ng tubig sa Luzon Avenue, Quezon City kung saan 9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang oras ng construction.
Magtatagal din ang nasabing aktibidad hanggang sa October 30, 2017.

Facebook Comments