Ilang bayan sa Pampanga, nalubog sa baha

74

Lumubog sa baha ang ilang bayan sa Pampanga dahil sa pag-ulang dulot ng bagyong Rolly.

Sa bayan ng Candaba, umabot ng hanggang 8-talampakan ang lebel ng tubig sa Barangay San Agustin.


Kaugnay nito, lumagpas sa critical level ang bahagi ng Pampanga River sa bayan ng Candaba matapos daanan ng Bagyong Quinta at Bagyong Rolly, kung saan nasa 5.19 meters ang naging lebel ng tubig kahapon.

Bukod sa Candaba, lubog din sa baha ang mga karatig bayan ng Apalit at San Simon, maging sa Calumpit, Bulacan.

Handa nang ipamahagi ang relief packs sa mga residenteng apektado ng dalawang dumaan na bagyo.

Facebook Comments