ILANG BAYAN SA PANGASINAN, NAGHAHANDA NA NG MGA DEKORASYON PARA SA KANILANG CHRISTMAS LIGHTING

Naghahanda na ang ilang bayan sa Pangasinan ng kanilang mga palamuti para sa nalalapit na Christmas lighting ngayong darating na buwan ng Disyembre.

Sa Calasiao, aktibo ang grupo ng nagdidisenyo ng mga dekorasyon para sa nasabing okasyon, habang sa Malasiqui, makikita ang berdeng palamuti sa paligid ng plaza at ang Christmas tree na hugis palay.

Sa Bayambang naman, kinakabit na rin ang mga disenyo at palamuti sa paligid ng plaza bilang paghahanda sa pagdiriwang.

Ngayong araw ay magbubukas din ang Christmas Bazaar sa Bayambang, tampok ang iba’t ibang aktibidad at tugtugan para sa mga manonood at residente.

Facebook Comments