ILANG BAYAN SA WESTERN PANGASINAN, MAKARARANAS NG POWER INTERRUPTION SA MIYERKULES SANTO

Makararanas ng walong oras na pagkaputol ng serbisyo ng kuryente ang ilang bayan sa Western Pangasinan sa darating na Miyerkules Santo, Abril 1, 2026.

Batay sa abisong inilabas ng Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO 1), magsisimula ang power interruption mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon upang bigyang-daan ang pag-energize sa karagdagang 5MVA power transformer sa lugar.

Apektado ng nasabing aktibidad ang buong nasasakupan ng mga bayan ng Burgos, Dasol, at Infanta. Kasama rin sa mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng bayan ng Mabini, partikular na ang Barangay San Pedro at Barangay Barlo.

Ayon sa kooperatiba, ang mga linyang bubuksan para sa maintenance ay magmumula sa 69 kV Air Break Switch sa B.I.R. Palamis, Alaminos City, gayundin ang Dasol Substation na sumasakop sa Feeders 11, 12, at 13.

Pinayuhan naman ng PANELCO 1 ang mga apektadong konsyumer na asahan ang posibleng pagbabalik ng kuryente nang mas maaga kaysa sa itinakdang oras.

Kaugnay nito, pinaaalalahanan ang publiko na laging ituring na may daloy ng kuryente o “energized” ang lahat ng linya at kagamitan para sa seguridad at kaligtasan ng bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments