Ilang Benepisyaryo ng SAP sa Lungsod ng Cauayan, Ibinalik ang Nakuhang Pera!

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong isinauli ng ilang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng DSWD ang kanilang nakuhang cash assistance.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, ilan kasi sa mga benepisyaryo ay empleyado ng gobyerno na hindi dapat pasok sa naturang programa.

Ayon pa sa alkalde, mayroon ng mga pangalan ang tinanggal sa masterlist ng DSWD matapos na ma-assess na nakakaangat ang mga ito sa buhay.


Nagkaproblema sa pangingilatis sa mga pamilyang makakatanggap ng SAP dahil na rin sa limitadong panahon at dami ng susuriing pamilya.

Tiniyak naman ng alkalde na ang mga perang ibinalik ng ilang benepisyaryo ay maibibigay sa iba pang nangangailangang pamilya.

Magugunitang ipinag-utos ng DILG sa mga barangay na ipaskil ang lahat ng mga pangalan ng makakatanggap ng cash assistance para magkaroon ng transparency sa publiko.

Facebook Comments