Presidential Chief Legal Counsel Panelo, ikinalungkot ang hindi pagkakumpirma ni Ubial

83

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang naging desisyon ng Commission on Appointments sa pagkakabasura ng kumpirmasyon ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Ayon kay Panelo, nakakalungkot dahil sa kabila ng naiambag ni Ubial sa health department ay hindi pa rin ito nakalusot.

Sa ngayon, wala pa anyang napipisil ang malakanyang na kapalit ng kalihim.

Si Ubial ang pang-lima sa mga appointees ni Pangulong Duterte na hindi nakalusot sa makapangyarihang CA.

Samantala, nilinaw ni Panelo na dumaan sa imbestigasyon at tamang proseso ang pagkakasibak sa chairman at CEO ng Energy Regulatory Commission na si Atty. Jose Vicente Salazar kung saan napatunayan na guilty ito sa simple at grave misconduct.

Facebook Comments