Manila, Philippines – Inaasahang bukas ang pagsisimula ng pagdagsa ng mga pasahero sa bus terminal para umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan kasunod ng paggunita sa Undas.
Kaugnay nito nakahanda na ang ilang bus terminal sa Pasay para sa tinatawag na exodus ng mga byahero.
Ayon kay Charlie Sera Station Manager ng Partas sapat ang bilang ng kanilang mga bus para i-accommodate ang lahat ng mga pasahero na pauwi sa mga probinsya.
Wala din aniyang taas pasahe sa kanilang mga biyahe, Laoag P838, Vigan P760
Pagudpod P1127, Abra P760, Candon (Ilocos Sur) P683, La Union P541.
Kasunod nito kanselado muna pansamantala ang kanilang online reservation simula Oct. 28 hanggang Nov. 2.
Ito ay upang mas maraming pasahero ang kanilang maserbisyuhan.
Nagdagdag din aniya sila ng mga security guards ngayong peak season upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.