Ilang COVID-19 vaccination site, mananatiling bukas ngayong Semana Santa

Mananatiling bukas ang ilan sa mga COVID-19 vaccination site ngayong Semana Santa.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paggamit sa mga simbahan at parokya bilang vaccination site.

Bukod dito ay magkakaroon din ng bakunahan ang pamahalaan sa tabi ng mga mosque sa gitna ng selebrasyon ng Ramadan.


Nilinaw naman ni Cabotaje na voluntary lamang o hindi mandatory ang pagbabakuna, pero may autonomy ang local government units, establisyemento, simbahan at mosque na hindi papasukin ang ‘di bakunado.

Facebook Comments