Mga Pinoy sa New York, pinag-iingat ng Philippine Consulate kasunod ng pamamaril sa Brooklyn subway

158

Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General sa New York ang mga Pilipino na maging mapagbantay kasunod ng Brooklyn subway shooting incident kung saan 23 ang nasugatan.

Ayon kay Consul General Elmer Cato, dapat gawin ng ating mga kababayan ang mga kinakailangang pag-iingat dahil hindi pa nahuhuli ang suspek.

Pinayuhan din ang mga Pilipino na iwasan muna ang 36th Street Station sa Sunset Park sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon.


Agad din anilang iulat sa Philippine authority sakaling kabilang sila sa mga biktima ng insidente upang matulungan.

Batay sa New York Police, naka-mask ang suspek na gumamit ng gas canister tsaka sinimulan ang pamamaril.

Ilang mga undetonated device ang natagpuan sa pinangyarihan ng pamamaril.



Facebook Comments