Ilang Dating Rebelde sa Cordillera, Tumanggap na ng Tulong mula sa Gobyerno

Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ng ilang mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang mga tulong sa ilalim Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Sa ibinahaging impormasyon ni Major Jekyll Julian Dulawan, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO), 5ID, Philippine Army, naipasakamay na ni Director Anthony Manolo Ballug, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kabuuang Php370,000.00 na halaga ng tulong pinansyal sa apat (4) na mga dating miyembro ng rebeldeng grupo sa tulong ng kasundaluhan ng 54th Infantry Battalion.

Kasabay ng pagbabalik-loob ng apat na dating rebelde, isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas.


Habang sa bayan ng Tinoc, Ifugao ay namahagi rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fisheries livelihood project na nagkakahalaga ng P1-Milyong piso.

Aabot sa 29 na mga mangingisda mula sa mga barangay ng Binablayan, Danggo, Luhong, Tukukan, at Wangwang ang napagkalooban ng bigas, isda, fingerlings, at feeds para sa pond demo culture.

Samantala, sa kabilang ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19, lalong pinaigting ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Whole-of-Nation Approach (WONA) to End Local Communist Armed Conflict na kung saan naging aktibo ang mga mamamayan sa pagtulong sa gobyerno laban sa insurhensiya sa mga rehiyon ng Cordillera at Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments