Ilang diplomat, nag-courtesy call kay incoming President Bongbong Marcos

Ikinokonsidera ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isagawa sa outdoor historical sites ang kanyang inagurasyon sa Hunyo.

Ayon sa kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos, kabilang sa posibleng venue ay ang Quirino Grandstand, Fort Santiago at ang National Museum.

Miyerkules nang iproklama bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas si Marcos matapos ang May 2022 elections.


Samantala, ilan pang kinatawan at diplomat ng iba’t ibang bansa ang nag-courtesy call kay Marcos ngayong araw.

Kabilang dito si UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils kung saan tinalakay aniya nila ni Marcos ang pagpapalawak sa ugnayan ng UK at Pilipinas lalo na sa economic sector.

Ipinaabot naman ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho ang pagbati ni President at Prime Minister Lee Hsien Loong para sa pagkapanalo ni Marcos.

Nakipagpulong rin kay Marcos ang mga kinatawan ng France at European Union.

Facebook Comments