Lalaki patay matapos tagain ng kanyang bayaw

31
Tangalan, Aklan – Patay ang isang lalaki matapos na tagain ng kanyang bayaw kagabi sa Sitio Koeapo, Brgy. Afga, Tangalan, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Joel Corpus, 53-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Bobby Lorenzo, 46-anyos lahat residente ng nasabing lugar. Ayon kay PSSgt. Peryl Antaran ng Tangalan PNP, na nakatanggap sila ng tawag mula sa MDRRMO Tangalan na meron silang nirespondehang hacking incident at agad naman silang nag responde. Pagdating nila sa lugar ay nadala na ang biktima sa hospital. Sa imbestigasyon lumalabas na, habang naghahapunan ang biktima ay dumating ang suspek na lasing nagsisigaw at naghahamon ng away. Lalabas sana ang biktima pero naharang ito ng kanyang asawa at anak pero nong huli ay nakalabas ito dahil sa kusina dumaan na nakita ng kayang anak na may bitbit itong asarol at bara (digging bar). Mainitang diskusyon ang nangyari sa dalawa hanggang sa unang binato ng biktima ang suspek ng bara (digging bar) pero hindi ito tinamaan, sunod ay hinampas niya ito ng asarol pero nasangga ito ng suspek at doon na niya tinaga ang biktima na tinamaan sa kaliwang bahagi ng tiyan. Agad na dinala sa ospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay habang ginagamot. Tinitingnang motibo dito ay nagalit ang suspek dahil sa kanyang saging na sinira ng alagang kalabaw ng biktima. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Tangalan PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon matapos na maaresto rin kagabi.
Facebook Comments