Ilang kompanya ng langis, nag-anunsyo na ng dagdag-bawas sa presyo petrolyo

Nag-anunsyo na ng kani-kanilang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Magpapatupad ng ₱1.70 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at ang Seaoil.

Pero tataas naman ng ₱1.20 ang presyo ng kanilang diesel habang ₱2.45 ang kerosene.


Parehong oil price adjustment ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.

Epektibo ito alas-6:00 ng umaga bukas, Mayo 31 para sa lahat ng oil company maliban sa Caltex na hatinggabi pa lamang ay magpapatupad na ng price adjustment habang alas-8:01 naman ng umaga ang Cleanfuel.

Facebook Comments