
Nakatakdang humarap ulit sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Lunes ng umaga, November 9, ang Bureau of Jail Manangement and Penology o BJMP, para ipresenta ang resulta ng kanilang pagsusuri sa CCTV footage at ilang dokumentong hinihingi ng korte.
Ito ay matapos mabunyag sa pagdinig noong nakaraang linggo, na may mahigit 400 na cctv camera sa BJMP Male Dormitory – Payatas, Quezon City, pero ang ilan dito ay hindi na gumagana, base na rin sa naging testimonya ni Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion.
Nauna nang nilinaw ng hukuman ng dibisyon, na layon ng pagdinig na matukoy kung ano pa ang mga kulang at kinakailangang kagamitan sa pasilidad, para maipabatid ito ng Sandiganbayan sa Department of Budget and Management, kongreso, at iba pang ahensya ng gobyerno.
Samantala, kabilang din sa nakatakdang iprisenta ngayong umaga ay ang notaryadong ulat kung anong mga area at lugar ang pinuntahan ni dating House Speaker Martin Romualdez, base sa CCTV footage, maging ang mga rekord ng; system status reports at maintenance CCTV system; access logs, kasama ang mga binura o inalter na footage; power interruption; pagpasok at paglabas ng mga sasakyan; paggamit ng ambulansya; pagkakakilanlan ng mga taon bumisita kay Romualdez; pinakahuling medical report ni Romualdez; at, medical examinations ni Romualdez sa labas ng kulungan.










