Pinaburan ng ilang Pangasinense ang hindi na dapat paghahanap ng dalawang VALID IDs sa mga transakyon ng gobyerno ayon na rin sa paglilinaw ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon sa ilang Pangasinense, madalas silang mahaba kung pumila sa mga transaksyon na nangangailangan ng ilang ID bago matapos o makuha ang pangangailan.
Malaking tulong umano kung sakali ang pagpayag na isang Valid ID na lamang ang ipapakita para sa mas mabilis na serbisyo.
Ayon sa ARTA, sapat na dapat ang isang government ID tulad ng National ID para masabi o makumpirma ang pagkakakilanlan ng isang tao para sa mga transaksyon sa gobyerno.
Kung makararanas umano ng paghahanap o requirement ang dalawang Valid ID ay maaari umanong i-reklamo upang bigyang aksyon at matugunan.
May mga website o portal naman ang ilang ahensya ng gobyerno at local government units para idulog ang reklamo kahit weekend.
Kung sa usaping naman ng mainit na hintayan at mahahabang pila na walang masilungan, naglabas na ang ARTA ng circular sa pamamagitan ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) nito kung saan binibigyang diin ang pagkakaroon ng kumportable at maayos na waiting area para sa mga mamamayan.
Dapat din na mayroong public assistance and complaints desk maging special lanes para sa mga senior citizens at PWD.
Batay rin sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ipinagababawal rin ang mga empleyado ng gobyerno na magsungit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








