Ilang ebedensya na may kaugnayan sa pagkamatay ng isang kadete ng PMMA noong Hulyo, ipinakita sa pagdinig sa Kamara

Ilang mga screenshot ng palitan ng mensahe at video ang ipinakita sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education kaugnay ng pagkamatay ni Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Cadet 4th Class Jonash Bondoc noong Hulyo na hinihinalang dahil sa hazing.

Iniimbestigahan ng Komite ang insidente na nangyari mismo sa loob ng akademya.

Sa gitna ng pagdinig ay ipinakita ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang mga screenshot na umano’y mga ebidensya sa kaso ni Bondoc.


Kinumpirma ng mga kapatid ni Bondoc, ang ilang mga ipinakitang screenshots tulad ng kanilang pag-uusap hinggil sa hazing, pambubugbog at iba pang nagaganap sa loob ng PMMA.

Sa videos din na pinakita sa hearing, mapapanood ang pananakit sa ilang mga kadete, gaya ng pagsuntok sa dibdib at pagpalo sa mga kamay.

Matatandaang July 6 nang matagpuang wala nang malay si Bondoc sa loob ng isang comfort room ng Alpha Company Barracks pero idineklara na itong dead on arrival sa ospital.

Humirit naman si Fortun ng “executive session” sa komite dahil may ilan pang mga sensitibong videos o na ipapakita kaugnay sa kaso.

Facebook Comments