ILANG ECO PARK AT PASYALAN SA ANGADANAN, ISABELA; BINISITA NG DOT R02

Isang Integrated Farm at Eco Park ang personal na binisita ng ilang kawani ng Department of Tourism Region 2 nitong ika-16 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa naging ekslusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa presidente ng Region 2 Travel Agency and Tour Operators Association (R2TATAO) na si Rowena Lampitoc ng Pink Diamond International Travel and Tours, personal aniya nilang binibisita ang ilang mga toursit destinations sa lalawigan ng Isabela kabilang na ang Valdez Agri-Tourism Farm at Manalo Taguba Eco Park sa Angadanan upang matulungan ang mga ito na mas makilala pa hindi lamang sa region 2 kundi sa buong bansa.

Layunin rin aniya ng naturang ahensya na ipakilala ang buong Cagayan Valley bilang “The Valley of Funs”.

Samantala, ayon naman kay Cultural Officer Designee Rosita Tallod ng LGU Angadanan, nagkaroon aniya ng malaking bahagi ang pagkakaroon ng naturang bayan ng mga tourist spot kagaya na lamang ng Manalo Taguba Eco Park at Agri-Tourism Farm.

Aniya mas nakilala ng publiko ang mga bayan dahil sa mga nabanggit na pasyalan.

Layunin rin aniya ng lokal na pamahalaan ng Angadanan na mas makilala pa ang mga patok na pasyalan gayundin ang kanilang bayan sa pamamagitan ng pageendorso at pag pro-promote ng mga ito sa publiko.

Facebook Comments