PATOK NA PASYALAN SA BAYAN NG ANGADANAN, DINADAYO

Isang ala Mansion o Disney Castle at isang Agri-tourism Agriculture Park na tinatayang may lawak na 2.5 ektarya mula sa bayan ng Angadanan, Isabela ang patok ngayon sa mga turista.

Ayon kay Jhun Taguba Manalo, nagbukas sa publiko ang kanilang Eco Park nito lamang 2022.

Isa sa mga ipinagmamalaking atraksyon sa loob ng naturang parke ay ang kanilang ala Disney Castle na Mansion o “bahay” kung kanilang tawagin.

Patok ang naturang pasyalan lalo na para sa mga bata dahil sa mga pailaw na mayroon sa loob at labas gayundin na maaaring gawin sa malawak na bakuran nito katulad ng biking, camping, maging ang fishing.

Tumatanggap rin aniya ang naturang pasyalan ng mga nagnanais na gamitin ang kanilang parke bilang lugar sa iba’t ibang klase ng photoshoot kagaya ng Debut, Birthday, at Prenup.

Sa halagang P100 ay maiikot na ng mga bibisita ang buong eco park maging ang loob ng kanilang Mansion.

Facebook Comments