Ilang Guro at Mag Aaral , Tutol sa ‘NO HOMEWORK POLICY’

Cauayan City, Isabela- Hindi sang-ayon ang ilang mag aaral at Guro ng Cauayan City National High School sa panukalang batas na “No Homework Policy” na inihain kamakailan ni Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon City Representative Alfred Vargas.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay School Principal Primitivo Gorospe ng nasabing paaralan, kinakailangan na tignan at paigtingin pa ang nasasaad sa nasabing panukala kung ito ba ay higit na makakatulong sa mga mag aaral.

Aniya, advance learning ang pagkakaroon ng asignatura para sa mga susunod na talakayan sa silid aralan ng isang mag aaral.


Una rito, inihain ni Deputy Speaker Escudero ang HouseBill 3611 na nagbabawal na magbigay ng asignatura sa mag aaral mula kinder a\hanggang high school habang HouseBill 3883 ni Rep. Vargas na magbabawal na magbigay ng homework tuwing weekend.

Una na ring humingi ng paumanhin si Rep.Vargas sa publiko at inaming nagkamali lang ang kanyang staff sa paggawa ng nasabing panukala.

Kaugnay nito, may umiiral ng DepED Memorandum No.12 o “NO HOMEWORK Policy” na nilagdaan noong 2010 ni dating DepEd Secretary Armin Luistro.

Mensahe naman ni Ginoong Gorospe sa mga mag aaral na sakaling maiapsa man ang nasabing panukalang batas ay huwag sanang kalimutan ng mga mag aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng takdang aralin dahil hindi lamang sa paaralan nagsisimula ang pagkatuto kundi maging sa bawat tahanan din.

Facebook Comments