Tuesday, January 20, 2026

ILANG INDIBIDWAL, NAARESTO SA PANGASINAN DAHIL SA IBA’T IBANG KASO

Anim na indibidwal ang naaresto ng iba’t ibang yunit ng Philippine National Police sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Pangasinan noong January 19, 2026.

Dakong alas-10:11 ng umaga, inaresto sa Alaminos City ang isang 28-anyos na college instructor sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong Theft, na may inirekomendang piyansang ₱36,000.00 bawat kaso.

Sa Calasiao, alas-11:14 ng umaga, isang 60-anyos na bookkeeper ang hinuli sa bisa ng alias warrant of arrest para sa kasong Estafa na may inirekomendang piyansang ₱16,000.00.

Bandang alas-11:45 ng umaga naman, isang 28-anyos na lalaki ang inaresto sa San Carlos City para sa pagsisilbi ng sentensiya kaugnay ng mga kasong Rape in Relation to Physical Injury at Rape in Relation to Homicide.

Dakong alas-2:44 ng hapon, inaresto sa Tayug ang isang 22-anyos na babae sa kasong Estafa sa ilalim ng Cybercrime Law, na may inirekomendang piyansang ₱60,000.00.

Samantala, alas-5:06 ng hapon, isang 25-anyos na company driver ang naaresto sa Bugallon dahil sa kasong Reckless Imprudence na may inirekomendang piyansang ₱10,000.00.

Huli, alas-7:50 ng gabi, isang 25-anyos na factory worker ang inaresto sa Sta. Barbara dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Property na may inirekomendang piyansang ₱36,000.00.

Lahat ng mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang police stations habang isinasagawa ang kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments