Nag-ala Santa Claus si PRRD sa pag-bisita nito sa House of Hope Sa Davao City kahapon

Kasama si Senador Bong Go, binisita ng Pangulo ang Southern Philippines Medical Center Children’s Cancer Institute kung saan nagbigay-saya sila sa mga batang may cancer.

Binati ng mga bata ang Pangulo sa pamamagitan ng pagma-mano.

Makikita naman sa ilang kuhang larawan ang pag-aabot ng pangulo ng “ampao” sa mga bata bilang regalo.


Una nang sinabi ng Malacañang na sa Davao City sasalubungin ni Pangulong Duterte ang bagong taon kasama ang kanyang pamilya.

Facebook Comments