Ilang isolated municipalities ng Abra na matinding tinamaan ng lindol, nahatiran na ng tulong ng AFP

39

Narating na ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pitong isolated municipalities ng Abra na matinding tinamaan ng magnitude 7 na lindol.

 

Ayon kay Col. Jorry Baclor, Chief Public Affairs Office ng AFP, nakapamahagi na ng relief goods ang tropa ng militar sa munisipalidad ng Boliney, Bucloc, Daguioman, Luba, Tubo, Malibcong, at Lacub.

 

Idineploy sa lugar ang air assets ng militar para magdala ng relief goods.


 

Una nang nagpadala ang AFP ng 14 na search, rescue, and retrieval teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol kamakalawa.

Facebook Comments